About Me

My photo
isang Sentementalista, Makata,Liriko, Mapangarapin at mahilig sa mga pananaginip (sa madaling salita tulog ng tulog,palakaibigan,NGO staff,manager ng isang banda,admin ng isang filipino social group at part time superhero. ehem.

Tuesday, June 21, 2011

NAKI ADYA sa TRENTA






































TRENTA 1981


Ang TARA (Tinta-Aklat-Record-Awit) na isang grupong sumusuporta sa ating mga local indie band ay naglunsad ng fund raising music event na pinamagatang "TRENTA" at matagumpay na naisagawa naman sa Conspiracy Garden Cafe. ang layunin ng nasabing event ay makapagbigay ng 30 english dictionary sa 30 estudyante ng isang titser sa pang elementaryang eskuelahan sa los baƱos laguna.sa trenta pesos na entrance fee sa nasabing programa ay maari ka ng maki-jam sa ilang mga indie band ng bansa ngayon:




UNTIL AUGUST



JEFF PAGADUAN



TRIANGLE TRAUMA



PEPPER'S PREY


EASTER COASTER



DREAM ENRIQUEZ




sa nasabing event ay naki-jam din ang inyong mga ka-adya at nakiisa pa sa lumahok at nagbigay ng awiting orihinal,bukod doon isa sa matatawag ng legend ng music rock scene ng ating bansa na si DODONG CRUZ ng bandang "The YOUTH" ay naki-jam din sa gabing iyon.natatandaan ko pa ang gabing iyon na kung saan kaming magkakabarkada ay nagtatanungan kung tama ba ang aming hinala sa lalaking nakaupo sa tapat ng aming mesang inaakupahan,tawagin namin ang organixer ng nasabing programa na si kuya norman at itatanong sana ang bagay na iyon ay buong kasiglahan niya kaming sinagot agad agad ng "OO sya NGA TAMA ang hinala nyo OO sya nga"(kahit di pa nga kami nakakabigkas ng aming itatanong).




astig ang nasabing programa at sobrang saya ng gabing iyon dahil sa walang puknat na tugtugan ng mga bandang lumahok.




sana ay maglunsad pa ng maraming programang katulad nito ang TARA upang makapagbigay ng inspirasyon sa marami, masuportahan ang ating mga local indie band, at maka-adya sa mga kababayan natin na maabot nila ang kanilang mga pangarap.





SALUDO po kami sa TARA at sa mga bumubuo nito!

No comments:

Post a Comment