About Me

My photo
isang Sentementalista, Makata,Liriko, Mapangarapin at mahilig sa mga pananaginip (sa madaling salita tulog ng tulog,palakaibigan,NGO staff,manager ng isang banda,admin ng isang filipino social group at part time superhero. ehem.

Tuesday, June 21, 2011

NAKI ADYA sa TRENTA






































TRENTA 1981


Ang TARA (Tinta-Aklat-Record-Awit) na isang grupong sumusuporta sa ating mga local indie band ay naglunsad ng fund raising music event na pinamagatang "TRENTA" at matagumpay na naisagawa naman sa Conspiracy Garden Cafe. ang layunin ng nasabing event ay makapagbigay ng 30 english dictionary sa 30 estudyante ng isang titser sa pang elementaryang eskuelahan sa los baños laguna.sa trenta pesos na entrance fee sa nasabing programa ay maari ka ng maki-jam sa ilang mga indie band ng bansa ngayon:




UNTIL AUGUST



JEFF PAGADUAN



TRIANGLE TRAUMA



PEPPER'S PREY


EASTER COASTER



DREAM ENRIQUEZ




sa nasabing event ay naki-jam din ang inyong mga ka-adya at nakiisa pa sa lumahok at nagbigay ng awiting orihinal,bukod doon isa sa matatawag ng legend ng music rock scene ng ating bansa na si DODONG CRUZ ng bandang "The YOUTH" ay naki-jam din sa gabing iyon.natatandaan ko pa ang gabing iyon na kung saan kaming magkakabarkada ay nagtatanungan kung tama ba ang aming hinala sa lalaking nakaupo sa tapat ng aming mesang inaakupahan,tawagin namin ang organixer ng nasabing programa na si kuya norman at itatanong sana ang bagay na iyon ay buong kasiglahan niya kaming sinagot agad agad ng "OO sya NGA TAMA ang hinala nyo OO sya nga"(kahit di pa nga kami nakakabigkas ng aming itatanong).




astig ang nasabing programa at sobrang saya ng gabing iyon dahil sa walang puknat na tugtugan ng mga bandang lumahok.




sana ay maglunsad pa ng maraming programang katulad nito ang TARA upang makapagbigay ng inspirasyon sa marami, masuportahan ang ating mga local indie band, at maka-adya sa mga kababayan natin na maabot nila ang kanilang mga pangarap.





SALUDO po kami sa TARA at sa mga bumubuo nito!

Thursday, June 16, 2011

Ang Pag Adya Sa TRENTA




TRENTA (1981)

Time
Saturday, June 18 · 7:00pm - 11:30pm

Location
Conspiracy Garden Cafe, Visayas Ave., QC

Created By

More Info
... walang kamatayang tugtugan sa Conspi!
Tara!

Ticket: PhP 30 (oo, tama... trenta lang!)

Tugtugan kasama ang:

UNTIL AUGUST
JEFF PAGADUAN
TRIANGLE TRAUMA
PEPPER'S PREY
EASTER COASTER
DREAM ENRIQUEZ
At ikaw... jam ka na din!

TARA's next beneficiary will be a teacher and her elementary class (30+ students) in a public school in Los Baños, Laguna. Ang itutulong natin: 30 English Dictionaries.

Sa mga nais magdonate, tuloy po kayo! :)